Ako si Reena. 18 years old. Nain love ako sa best friend ko at ito ang diary ko…
December 24, 2008- 6:00pm
Dear diary,
Christmas Eve na pala ngayon. Sobrang excited na ko. Mamayang gabi na ang dating ni papa galing Saudi. Mahigit 5 years din kaming di nagkita. Grbe, sobrang namiss ko siya. Ano kaya mga pasalubong niya? Nako, sana puro pagkain. Yun lang naman ang mapapakinabangan ko eh. Marami ding handa mamaya si lola. Nirequest ko ren yung favorite kong lumpiang sariwa. Nyam! Sige, bukas ikekwento ko sayo lahat ng nangyare mamayang gabi ah. mwah.
December 25, 2008- 3:00am
HAI DIARY!
DI NA ‘KO MAKAPAGHINTAY NA IKWENTO SAYO ANG LAHAT. Dumating si papa sa bahay at exact 12:00 kanina. Sobrang daming pasalubong. Chocolates dito, chocolates doon. Tapos dumating din yung mga pinsan ko. Saya saya. balik bata ule kame. Bago ko pumasok dito sa kwarto, nagbonding muna kame ni papa. Tinanong niya kung nagkaboyfriend na ba daw ako. You know naman, nbsb ako. diba diary? Kaya wala akong dapat itago kay papa. Ohsiya! 3am na pala. Goodnight, baby diary! mwah.
December 26, 2008
Huy!
Di kita nasulutan kahapon. Wala naman kasing masyadong ginawa. Nagpunta lang kameng SM tas nanunuod ng sine ni mama at papa. Pero something unusual ang nangyari yesterday. Or should I say someone? Kasi kanina, nagpaiwan ako sa sm pagkatapos manuod ng sine. Pinauwe ko muna sila mama para makapaglibot ako, pero mission failed. Di ako nakapagshopping kase may nakita akong lalake na nakaupo at umiiyak sa isa sa mga upuan sa tabi ng escalator.
Tinanong ko siya, “Hi, pwede tumabi?” Di siya sumagot kaya tumabi nalang ako.
“Anong problema? sorry, kung pake elamera ko ah. Gusto ko sanang makatulong, kung kaya ko naman.” sabi ko.
Di parin siya sumagot. kaya inalok ko siya nung panyo ko. Surprisingly, kinuha niya ito at ipinahid sa mga luha niya. First time kong makita yung mukha niya nun. Medyo singkit, ayos ang kilay at matangos ang ilong. Mistiso at mala koreano ang gupit ng buhok.
“Salamat.” Yun ang unang salitang narinig ko mula sa kanya.
Napangiti ako. Kasi kahit papano, feeling ko may nagawa ako para icomfort siya.
“Sige, sayo na yang panyo. Wag ka nang iiyak ah.” tinapik ko ang ulo niya at tumayo na sa inuupuan namen.
December 28, 2008
OH MAY GOSH DIARY, OH MY GOSH!
Guess what? Nagkita kami uli nung lalakeng kinwento ko sayo nung nakaraan. But this time, di na tulad nung dati na gloomy at emo emohan siya. Ngayon, masayahin at puno ng kulay ang mga mata ng lalakeng nakita ko kanina. Nilapitan ko siya without hesitating, “Huy, naalala mo pa ko?” tanong ko.
“Uy! Hi. Oo naman no.” sagot niya sabay labas nung panyong binigay ko sakanya.
Ang cute. Ginagamit niya pa rin pala yun? Ay, may kilig effect akong nafeel nung pinakita niya sakin yung panyo.
“Gusto mong magcoffee?” sabi niya.
Syempre, umoo naman ako. Nagpunta kame sa Starbucks at umorder ng cape. Siya nagbayad. Nakapagkwentuhan nang onti. Rex pala ang name niya. 17 years old na siya at nagaaral sa isang kilalang university na hindi ko na babanggitin ang pangalan. Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak nung araw na nagkita kame, pero di siya sumagot at iniba kagad ang topic. Siguro di pa siya comportable magkwnto sakin ng mga ganung bagay.
December 30, 2008
Dear diary,
Exams na pala sa pasukan! Omg, masyado kong naenjoy ang bakasyon at nakalimutan ko na ang mga responsibilidad ko bilang isang magaaral. Di na muna ko maglalakwatcha. aral mode.
December 30, 2008
Dear diary,
Nagtext sakin si Rex. Exams na din pala nila sa pasukan. Niyaya niya ko magaral daw kame sa Starbucks. Sosyalen dba? Starbucks pa gusto. Should I go, or should i not? Hmm, syempre, I SHOULD. HAHA, sige, byebye!
January 1, 2009
HAPPY NEW YEAR DIARY!
2009 na. Magbabagong buhay na ko. At sisimulan ko yon sa pagiging top sa quarter na to. WATCH ME! :)
January 7, 2009
Good aftie diary,
What a long day. Sobrang nadalian ako sa mga tests ko today. Pano naman kasi yung mga questions na tinanong sakin nun ni Rex nung nagrereview kame is almost the same with the questions on the questionnaires. Para bang siya yung nagsulat nung test. Pero di naman posible yun. Di naman siya teacher eh. Hehe. Magkikita kame mamaya sa Sm. Sa mismong bench na una nameng pinagkitaan nun kaya, later na ko magkekwento. Bye!
January 9, 2009
Hi, Isang araw nanaman akong di nakasulat sayo. Nagkasakit kaya ko kaya natulog ako buong araw. Nga pala, yung lakwatcha namen ni Rex, sobrang saya. Parehas pala kameng mahilig sa mga plaid shirts kaya yun, may sale namili kame. Parehas ng style pero magkaibang kulay. Symbol of friendship daw namen yun. Ang corny niya lang no? Tas tnreat nya ko nang dinner sa Shakeys. Busog! Lalo talagang sumasarap ang pagkain pag libre. Hhehe. Nakaktuwa talaga, at sa wakas may best friend na din akong tao. Ikaw lang kasi best friend ko, diary eh. At least niya ngayon nakakapagsalita na siya. Pero, wag ka magseselos. Iba ka pa ren talaga. :)
January 15, 2009
Hi diary,
Ilang araw na ren ang lumipas. Di na kita masyadong napapansin. Naging busy kase kami ni Bes Rex eh. Nagbirthday yung mama niya at pinakilala niya na ren ako sa family niya. Wala na pala siyang daddy. Namatay nung 10 years old palang siya. PEro, kahit papano nakakaahon pa rin sila ng mom niya at dalawa pa niyang kapatid. Nga pala, bukas na ang alis ni papa, papuntang Saudi. Mamimiss ko siya. Sobrang bilis lang nung bakasyon niya eh. Kulang na kulang ang oras.
January 17, 2009
Ang sakit, diary. Bakit ako nasasaktan? Ano ba ‘to?
Tinext ako kanina ni Rex na, may nililigawan na daw siya. Abby ang kanyang pangalan. Di ko man siya kilala, pero puot at galit lang ang nararamdaman ko tuwing naririnig ko ang pangalan niya. Bat ako nagkakaganito? Eh, magbest friend lang naman kami ni Rex. Wala nang hihigit pa dun.
January 29, 2009
Masyadong normal ang nakaraang araw, kaya’t di na kita nasusulatan.
Kahapon nagkita kame ni Rex. At alam mo kung ano ang sinabe niya…
BINASTED DAW SIYA NUNG ABBY! WOOHOO. Saya! I love this, diary! Ngayon dahil doon, alam ko na ang totoo kong nararamdaman sakanya. Di lang best friend ang turing ko sa kanya. Mahal ko na siya.
February 2, 2009
Hey! Aaminin ko na kay Rex ang totoo kong nararamdaman. Mahirap na, baka may ligawan naman siya. Hay, wish me luck diary, mwah.
February 3, 2009
Wala siyang sinagot. Tinitigan niya ko nang isang nakakalusaw na tingin at lumakad palayo.
Nagkita kami kahapon sa Star City. Sabi ko saknya may libre akong tickets pero pagdating ko pa lang don, inamin ko agad sa kanya kung bakit ko sya pinapunta don.
“Rex, sa totoo lang. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Sobrang nasaktan ako nung sinabe mo saking may nililigawan ka, at doon ko napagtanto na di lang hanggang best friend ang nararamdaman ko sayo.”
Di siya umimik. Nanlaki ang kanyang ang mga mata at iniwan ako magisa nang walang ni isang salitang ang nanggaling mula sa kanya.
Bakit ganun? Mas matatanggap ko pa sana kung humindi nalang siya eh. PEro bat kaylangan niya mag walk out at iparamdam saking wala siya pake elam? MASAKIT.
February 10, 2009
Durog na durog pa rin ang puso ko, diary.
Dalawang araw akong di pumapasok. Binali ko lang ng connection ko sa outside world. Pati cellphone ko isang linggo ko nang hindi chinacharge. Gusto ko muna mapagisa.
February 11, 2009
Dear diary,
nga.. ay, wait tumatawag si mama ni Rex.
Hello?
Hello, reena?
Po?
Iha, tinakbo sa ospital si Rex kagabe. Gusto ka daw niyang makita. Parang awa mo na, pagbigyan mo na ang huling hiling nang anak ko.
February 14, 2009
Dear diary,
Andito ako ngayon nakaupo at kasama ang mahal kong si Rex. Nakahiga siya sa isang maputing higaan kung san nanahimik na ang kanyak katawan at kaluluwa.
Nung gabing tinawagan ako nang nanay ni Rex, agad agad akong sumugod sa ospital.
“Anong nangyari, Rex?”
“Reena” ibinulong niya ang pangalan ko habang hirap na hirap na siyang magsalita.
“Naalala mo nung unang nagkita tayo sa Sm? N-n-nung binagay mo saki- tong pan- p-panyo?” pinilit niya ibigkas ang mga salitang yon habang inabot sakin ang panyong binigay ko sakanya nung una kaming magkita.
tumango lang ako.
“Nung araw na- na- yon. Tinaningan na ko ng doctor ko. Ma- may cancer ako, Reena.”
Walang luha ang tumulo sa mga mata. At that moment, nanigas ang buong katawan ko pero lahat ng kirot nagtipon sa puso ko. Di ako nakapagsalita.
“Wag mo sanang isipin na di kita mahal. Di ko kayang aminin sayo na mahal din kita kasi alam kong masasaktan ka kapag nalaman mo ang kalagayan ko. At ayokong maging pab-pab-pabigat sayo. Kaya sana, wag kang magalala ha? Okay na ko. Once na naputulan na ko ng hininga, mawawala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kaya sana ikaw rin.”
Tumulo na ang luha ko. Kinuha ni Rex ang panyong ibinigay ko sa kanya at hinalikan ito. Pinilit niyang iangat ang kanyang mga kamay at punasan ang aking mga luha. At doon pumikit na ang kanyang mga mata habang biglang bumagsak ang kanyang kamay mula saking mata at nahulog ang panyo sa king mga paa.
